Canelo vs Berlanga PPV

Ano ba Public Media Workout? Pogi Points sa Media at pampa excite ng laban!

Nakakalungkot na parang ang ibang Filipino boxing fans ay hinde naintindihan ang Public Media workout at ang akala nila ay na expose ang boxers at naiistorbo lang sa training. Explain natin sa tagalog.


Ang public media workout ay isang bukas na pagsasanay na isinasagawa ng mga atleta, karaniwan ng mga boksingero o mga mandirigma, kung saan ipinapakita nila ang kanilang kakayahan at paghahanda sa harap ng media at publiko. Ang mga ganitong event ay kadalasang inorganisa bilang bahagi ng paghahanda para sa isang malaking laban o event. Layunin ng public media workout na makakuha ng publisidad at magbigay ng excitement tungkol sa atleta at sa paparating na laban.





Sa isang media workout, ipinapakita ng mga atleta ang iba't ibang aspeto ng kanilang pagsasanay tulad ng shadowboxing, pagsuntok sa pads, sparring, at mga conditioning exercises. May pagkakataon ang mga media na kumuha ng mga larawan, video, at magsagawa ng interview, habang ang mga fans naman ay nakakakuha ng bihirang pagkakataon na makita ang kanilang mga paboritong atleta nang malapitan. Ang mga ganitong event ay tumutulong sa promosyon ng laban, nagbibigay ng ideya tungkol sa kalagayan ng atleta, at minsan ay nagiging oportunidad para sa exposure ng mga brand sponsorship.

Ang Powcast Sports ay isa sa mga lehitimong media na imbitado sa mga ganitong event. Hindi lang kami basta pumupunta para kumuha ng video—mayroon kaming tamang akreditasyon para mag-vlog at magsagawa ng mga interview.



Powcast Sports, Accredited ‘Di Basta-Basta Lang!"


Ang Laban ni Melvin Jerusalem vs Luis Castillo ay magaganap sa Mandaluyong sa Sept 22!




Popular Posts

Facebook Timeline