Ad Code Main

Open letter to the new GAB Chair.Hon. Abraham Mitra

Recent Posts ad


Aug 15, 2016
An open letter to the new GAB Chair.Hon. Abraham Mitra:

Mahal na Kgg.Mitra:

Una po sa lahat ako ay bumabati sa inyo sa pagkahirang ng ating mahal na Pangulo Digong Duterte bilang Punong Tagapangasiwa sa GAB. Lumiham po ako upang ipabatid at imungkahi(unsolicited advised) ang ilang mahahalagang bagay para sa ikabubuti ng Pro-boxing sa ating bansa; A.BOXERS WELFARE FUND-Ang GAB sa pamamagitan ng Board Resolution ay kumukuha ng 1% share sa bawat laban ng boxer (local or abroad)na di lalampas ng sampung libo. Kundi po ako nagkakamali ay maaaring may 3million piso na ang nasabing pondo. Rekomendasyon...1.Sana po ay opisyal na ibilang sa nasabing welfare fund ang kapakanan ng mga trainers/coaches/second; 2. Sana po ay magkaroon ng isang opisyal na representative sa pangangasiwa ng welfare fund, alin man sa manager, promoter, trainer, matchmaker o boxer upang direktibang malaman kung saan saan ginugugol ang welfare fund (pls take note na ang perang 1% ay kinukuha ng GAB kada laban ng boxer ay nanggagaling sa share ng manager, trainer/coach at boxer at kung tutuusin wala maski isang sentimo na nanggagaling GAB).3. Sana po ay maging mabilis ang pagtulong ng GAB sa mga karapat dapat tumanggap ng benepisyo na manggagaling sa welfare fund."AANHIN PA ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KABAYO".4. Sana po ay maging open sa publiko ang PANANALAPI ng welfare fund at ano mang oras ay pweding makita o malaman lalo na ng mga taga boxing. B. BAWAT DOKUMENTONG KUKUNIN SA GAB..MAY BAYAD? Ang GAB po ay hindi collecting agency ng pamahalaan, tulad ng BIR, CUSTOM, LTO, Atbp. at sa akin pong pakiwari ay di magugustuhan ng bagong Pangulo ang pahirap na ginagawa ng GAB sa mga taga boxing. K. PALAKASAN SYSTEM..Sana po mabigyan pansin ang di tamang sistema sa GAB, ang palakasan system. Kapag sa iba di pwede pero kapag kay NINONG pwede.. D. GAB LICENSED..1. Sana po ay kaparis ng ibang ahensya na ang lisensya ay bibigyan ng masmahabang palugit. Inererekominda din po na ang lisensya ng 4 rounder hanggang 8 rounder kung maaari ay libre na, sapagkat di nman sapat ang kanilang kinikita upang magbayad ng mahal na lisensya. Mahal na Chairman, ang akin pong nabanggit ay ilan lamang sa dapat mabigyan ng pansin, marami pa pong mahahalagang bagay na dapat pagtuunan, tulad ng monthly ratings, sistema ng pag laban sa abroad ng boxer, at marami pang iba. Umaasa po kami na sa pammagitan ninyo ay maitatama ang maraming pagbabago sa GAB. MGA KASAMAHAN SA BOXING...CHANGE IS COMING!! Humihingi po ng paumanhin kung ako man ay naging mapangahas sa akin liham. 

Gumagalang, DANTE S. ALMARIO 
at mga kasama sa Boxing Licensed boxing Manager/Promoter

                         
                                                 (Dante Almario with his boxers)

Bottom post ad

Post a Comment

0 Comments

Ad Code bottom